Dead on arrival sa pagamutan ang 32 anyos na motorcycle rider matapos makabanggaan ang Isang pampasaherong jeep sa Brgy. Anolid, Mangaldan, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag overtake umano ang biktima at hindi napansin ang kasalubong na jeep.
Sa lakas ng salpokan, natanggal at tumilapon ang gulong ng jeep.
Bumangga rin dito ang isa pang traysikel na kasunod ng motorsiklo.
Nagtamo ng sugat sa ibat -ibang bahagi ng katawan ang mga driver ng dalawang sasakyan kabilang na ang backride ng biktima.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments