𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡

Umabot sa higit isang daan o kabuuang bilang na isang daan at labinlima (115) na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala nito lamang nagdaang linggo sa buong Region 1.

Ayon sa datos ng DOH Ilocos Region, mula June 9 hanggang June 15 naitala ang mga bagong kaso ng sakit, kung saan ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ay nasa labing-anim (16).

Mas mababa ito kumpara sa naitalang kaso noong June 2 hanggang June 8 na nasa 133 Covid cases.

Nakaantabay ang ahensya sa sitwasyon kaugnay sa naturang sakit at pinaalalahan ang publiko ukol sa pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments