Pumalo pa sa 51°C ang naitalang heat index kahapon , April 29, 2024 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan sa lungsod.
Naunang naitala ng ahensya ang 50°C na damang init bandang alas dos ng hapon.
Matatandaan na magkakasunod na nagdaang mga araw, nanatili sa 48°C ang naitalang heat index.
Kadalasan namang naglalaro sa 45 hanggang 48°C ang naitatalang heat index sa lungsod at parehong numero ay pasok sa ilalim ng ‘Danger’ Category.
Posible na mas tumaas pa ang lebel ng init na mararamdaman sa susunod na buwan ng Mayo dahilan pa rin ang matinding epekto ng El Nino at ang opisyal na panahon ng tag-init sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments