Ilang araw na muling nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ang maalinsangang init ng panahon sa kabila ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Nitong mga nakaraang araw, pasok sa ilalim ng danger category ang naitatalang heat index ng PAGASA Dagupan sa lalawigan.
Kahapon, September 26, umakyat pa sa 46.1° C ang naitalang heat index.
Muling hinimok ang publiko na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at kontrolin ang mga physical activities na maaaring magdulot ng heat stroke, heat cramps at heat exhaustion.
Samantala, ilang mga Pangasinense ang ramdam ang epekto ng mataas na heat index na nagdudulot umano ng pagsakit ng kanilang ulo, at posibleng dahilan ng pagkakaroon ng trangkaso dahil sa pabago-bagong temperatura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments