𝗡𝗔𝗞𝗔𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢, 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗕𝗢𝗔𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pangamba ang nararamdaman ngayon ng mga motorboat operators sa lungsod ng Dagupan.

Bukod kasi umano sa matumal ang pasahero na kanilang naisasakay lalo na’t nakabakasyon ang mga estudyante, umaamba pa ang patuloy na pagtaas ng petrolyo.

Sa pagtataya ng Oil Industry Management Bureau – Department of Energy o OIMB-DOE, dahilan pa rin ng pagtaas ng presyo sa petrolyo ay ang tensyon na nangyayari sa iba’t ibang bansa na pinagkukunan ng suplay.

Samantala, daing ng mga motorboat operators na malaking epekto ang pagtaas ng petrolyo sa kanilang kabuhayan dahil inaasahang mas lalala pa ang kanilang problema sa petrolyo.

Panawagan naman ngayon ng mga motorboat operators na sila ay matulungan upang mapunan ang kanilang matumal na kita sa pagbabangka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments