𝗡𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗬𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗢𝗕

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang lalaki matapos nitong paputukan ng baril ang kaniyang kuya sa Sitio Bantog Brgy. San Juan, San Manuel.

Kinilala ang suspek na si Edilberto Candelario Sumajit at ang biktima naman ay si Isagani Candelario Sumajit.

Ayon sa biktima, pauwi na umano ito sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla siyang pinaputukan ng baril ng kaniyang kapatid.

Nakatakas ang biktima gamit ang kaniyang motorsiklo ngunit nahabol pa ito ng kaniyang kapatid.

Kalaunay tumakas suspek ang tinigilan ang paghabol sa biktima. Nanawagan ang live-in partner ng suspek na sumuko na upang maayos ang sitwasyon ng magkapatid lalo na at pareho silang nakatira sa iisang barangay.
Hindi na rin tinukoy ang personal na alitan ng dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments