CAUAYAN CITY – 13 bilanggo ang pinaghahanap ngayon ng kapulisan sa Zambia matapos buksan ng isang nakainom na gwardiya ang mga kulungan upang ipagdiwang umano ng mga bilanggo ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa ulat, kinilala ang gwardiya na si Detective Inspector Titus Phiri kung saan ay pinilit nitong kunin ang susi ng mga kulungan sa kanyang kasama bago buksan ang mga prison cells.
Matapos ang insidente, sinubukan pa ni Phiri na tumakas subalit nahuli agad ito ng awtoridad.
Ang 13 bilanggo na nakatakas ay sangkot umano sa kasong assault, robbery, at burglary.
Samantala, pinag-iingat ng awtoridad ang publiko at hiningi ang kanilang kooperasyon na mahanap ang iba pang mga preso.
Facebook Comments