𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗣𝗔𝗚𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡 𝗧𝗔𝗡𝗗𝗘𝗠

Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang 24 anyos na lalaki sa Urdaneta City. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakikipagkwentuhan lamang ang biktima sa kaniyang kaibigan sa harap ng bahay nito nang biglang may dumating na dalawang kalalakihan lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa bahagi ng kaniyang tiyan na agad namang isinugod ospital.

Nagsagawa na ng dragnet operation ang awtoridad upang matukoy ang motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments