𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔- 𝗛𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗨𝗡; 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢

Sugatan ang isang mangangalakal ng basura matapos ma-hit and run ng tricycle sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas, Pangasinan.

Naglalakad umano ang biktimang si Raul Mendoza, 45 anyos, sa kalsada nang masagi ito ng suspek.

Sa tulong ng CCTV footage, nakita umanong nakatulog ang suspek habang nagmamaneho.

Sa ngayon hihintay ng kapulisan na sumuko ang suspek sa pulisya na nakatakdang kasuhan ng Reckless Imprudence resulting to Physical Injury.

Nakalabas na ng hospital ang biktima at itutuloy ang pagpapagaling sa kaniyang tahanan.

Itinuturing namang accident prone area ang pinangyarihan ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments