𝗡𝗔𝗣𝗔𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜 𝗔𝗥𝗔𝗕𝗜𝗔 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟

Nabigyan ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Urbiztondo ang kanilang kababayang OFW na na repatriate mula sa bansang Saudi Arabia.

Nitong June 21 ay naipabot ang tulong pinansiyal na ito kay Mrs. Melba Erguiza ng Barangay Dalanguring sa pamamagitan ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng bayan katuwang ang Public Employment Services Office.

Matatandaan, na si Erguiza ay isang OFW sa Saudi Arabia na humingi ng tulong sa PESO Urbiztondo para ma-repatriate at makauwi sa Pilipinas.

Agad naman itong inaksyunan ng lokal na pamahalaan at nakipag ugnayan sa OWWA na agaran din tumugon para ligtas na maibalik sa bansa ang naturang OFW. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments