Inaasahan pa rin na magpapatuloy pa ang nararanasang pagbaha sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan dulot pa rin ni Bagyong Kristine.
Kabilang sa nagdulot ng pagbaha ay ang nararanasang storm surge o abnormal na pagtaas ng sea water level na kasalukuyan ngang nakataas sa ilang mga bayan.
Isa rin dito ang dam discharge operation ng tubig ng Binga at Ambuklao Dam sa Benguet at San Roque Dam sa San Manuel, Pangasinan na pawang nagpakawala na ng tubig, na ito namang didiretso sa mga kailugan sa mga tukoy na bahagi sa Pangasinan.
Nakataas din ang Yellow Warning Level na maaaring magdulot ng pagbaha sa inaasahang 7.5-15 mm rainfall sa lalawigan na maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras.
Sa Dagupan City, kasabay din sa malalimang pagbaha ay ang high tide season. |πππ’π£ππ¬π¨