𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗫𝗣𝗔𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗔𝗖𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗢𝗔𝗗𝗦𝗛𝗢𝗪 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥

Nasa higit isang libong taxpayers at practitioners sa Ilocos region ang nakibahagi at dumalo sa information roadshow ng Bureau of Internal Revenue o BIR.

Layon ng aktibidad na ito na makapagbigay ng impormasyon sa mas madaliang pagsasagawa ng tax filing ng mga Pilipino.

Dapat na magkaroon umano ng kaalaman ang mga taxpayers at practitioners ukol sa kahalagahan ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Law.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang naturang batas ay nagpapadali sa pagbabayad ng tax na siyang adhikain ng BIR upang mapataas ang voluntary compliance ng bawat indibidwal at maging isa sa nakikitang makakatulong sa economic development.

Samantala, sa pamamagitan rin ng pamamaraan na ito ng BIR ay matitiyak na magkakaroon ng malawak pang pagkakaintindi ang mga taxpayers ukol sa kanilang obligasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments