𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗜𝗧𝗨𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗪𝗜𝗙𝗜 𝗦𝗜𝗧𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗜𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Target ngayon ng tanggapan ng Department of Information and Communications Technology ang karagdagan pang free wifi sites nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nasa pitumput pito na free wifi sites ng DICT ang target na maidagdag ngayong taon sa lalawigan kung saan makapagbibigay sa mga Pangasinense ng internet access sa ibat ibang ugar sa lalawigan.

Sinisiguro nama ng tanggapan na ang mga free wifi sites ay may mga filters para sa digital security ng mga gumagamit nito.

Sa kasalukuyan, nasa tatlong daan at dalawamput lima ang mga active free wifi access ng DICT sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments