Target na itanim ang nasa limang libong coconut seedlings sa tatlumpu’t isang barangay sa lungsod ng Dagupan.
Sabay sa selebrasyon ng ika-77th Agew na Dagupan, naitanim na ang nasa tatlong daang coconut seedlings sa bahagi ng Bonuan Tondaligan katuwang ang Philippine Coconut Authority.
Naisakatuparan ang pagsasagawa ng naturang aktibidad sa tulong ng pondong ibinahagi ng Department of Labor and Employment at Public Employment Service Office kung saan benepisyaryo ng TUPAD program ang nakibahagi sa naturang pagtatanim.
Samantala, nasa higit tatlong daang TUPAD beneficiaries na residente ng One Bonuan ang nakibahagi at tumulong magtanim ng coconut seedlings. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments