CAUAYAN CITY- Nakiisa ang bayan ng Tumauini sa selebrasyon ng National Breastfeeding Awareness Month ngayong buwan ng Agosto.
Ang selebrasyon na ito ay naglalayong bigyang kaalaman ang mga ina hinggil sa kahalagahan ng pagpapasuso sa kanilang mga sanggol na anak.
Sa pamamagitan nito ay maaaring maiiwas ito sa sakit, pagbawi sa kalusugan, at magkaroon ng espesyal na ugnayan.
Samantala, ang adbokasiya na ito ay pinagtitibay sa bayan ng Tumauini kung saan namahagi ang Lokal ng Pamahalaan ng Electric Breast Pump sa mga dumalo sa programa.
Facebook Comments