Wednesday, February 4, 2026

π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—œπ—— π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—Ÿπ—”π—‘π—”π—‘, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

β€ŽCauayan City – Nagsagawa ang Philippine Statistics Authority Regional Office 02 (PSA RO2), sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2), ng National ID registration para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Palanan, Isabela.

β€ŽLayunin ng aktibidad na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na kabilang sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

β€ŽIsinagawa ang aktibidad alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyakin na lahat ng benepisyaryo ng 4Ps ay magkaroon ng National ID bilang bahagi ng pagpapahusay sa mga proseso ng pamahalaan at sa paghahatid ng serbisyong panlipunan.

β€ŽNagsimula ang off-site registration noong Enero 19 at magpapatuloy hanggang Pebrero 13 ngayong taon upang mas marami pang benepisyaryo ang makinabang sa National ID system.

β€ŽSource: DSWD REGION 2
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments