Pangungunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pangasinan ang 4th Quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill.
Ayon kay Vj Chui ang Operations and Training Officer ng PDRRMO, isasagawa ito sa PSU Infanta kung saan isa ito sa mahalagang aktibidad upang maging handa ang bawat isa sa kanilang mga tungkulin agarang gawin sa oras ng lindol.
Inaanyayahan ang mga Pangasinense nq sabay-sabay na mag duck,cover and hold sa oras ng alas dos.
Binigyang diin ng tanggapan na mahalaga ang pagiging handa sa anomang sakuna.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments