𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Kalaboso ang isang kwarenta y sais anyos na negosyante sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Binalonan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek na itinago sa pangalang Jhon residente ng nasabing bayan pasado alas tres ng madaling araw sa Brgy. Sto Nino.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong piso

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments