𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗢𝗟𝗗𝗔𝗣

Hinoldap ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang ginang na negosyante sa bayan ng Binmaley.
Naganap ang panghoholdap sa bahagi ng Brgy. Naguilayan sa nasabing bayan kung saan ay taga doon ang nasabing biktima na isang fish dealer.
Ayon sa salaysay ng biktima naganap ang panghoholdap pasado alas dos ng Hapon pagdating ng biktima sa kanyang bahay ng ito ay lapitan ng dalawang katao at agad na nagdeklara ng holdap.

Sinubukan pang manlaban ng biktima kung kayat nagpaputok ng dalang baril ang isa sa mga suspek at dahil sa takot ay nakuha ng mga suspek ang kanyang sling bag na naglalaman ng kanyang cellphone at cash na nasa ₱250k at agad na tumakas ang mga ito habang inireport naman agad sa PNP ang insidente.
Sa imbestigasyon ng PNP nakuha pa mula sa lugar ang isang magazine ng Caliber 45 na may limang bala at tatlong kapsula ng bala ng Caliber 45 Pistol.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng mga holdaper. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments