CAUAYAN CITY – Matapos ang episode ng Kapihan sa Bagong Pilipinas, tinutukan ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System ang patuloy na pagbaba ng kita ng mga magsasaka.
Ipinahayag ni Engr. Gileu Michael O. Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, ang adbokasiya ng kanilang ahensya na suportahan ang mga magsasaka.
Dagdag pa niya, nakatutok ang kanilang mga proyekto sa pagpapataas ng produksyon at kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtaas ng ani taon-taon.
Binigyang-pansin rin ng NIA-MARIIS ang pagpapabuti ng sistema ng irigasyon upang matiyak na may sapat na tubig ang mga sakahan, lalo na sa mga panahong kritikal ang ani.
Bukod dito, nais ng ahensya na matulungan ang mga magsasaka na mas mabilis na mapalago ang kanilang ani sa harap ng mga hamon ng klima.
Sa ganitong paraan, umaasa silang magiging mas matatag ang sektor ng agrikultura sa bansa.