𝗡𝗜𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚

CAUAYAN CITY- Maaring magpakawala ang Magat Dam ng tubig kapag patuloy na tumaas pa ang lebel nito ngayong araw ika-4 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa impormasyon na inilabas ng National Irrigation Administration (NIA) MARIIS- Dam and Reservoir Division, kapag umabot ang lebel ng tubig sa 186.00 meters above sea level ay kinakailangang magpakawala ng tubig ang dam upang mapanatili ang ligtas na water level nito.

Ang gagawing pagpapakawala na ito ay dulot ng Bagyong Enteng na naging dahilan ng pagtaas ng tubig sa reservoir.


Sisimulang magpakawala ng tubig sa lakas na 150 meters cubic per second.

Samantala, bagama’t may mga nakatalagang flood warning stations malapit sa Magat Dam ay hinihikayat naman ng NIA-MARIIS ang kooperasyon ng lahat upang masiguro na ligtas ang mga ari-arian at buhay ng mga residente na nakatira malapit sa Magat River.

Facebook Comments