Sa patuloy na nararanasang epekto ng EL Niño phenomenon sa lalawigan ng Pangasinan, marami sa mga magsasaka ngayon ang nahihirapan sa kanilang pagsasaka bagay na kanilang pinoproblema.
Bilang sagot sa problema ng mga magsasaka patuloy na namamahagi ang National Irrigation Administration Pangasinan ng mga water pumps upang maibsan ang kanilang mga problema sa patubig sa kanilang mga sinasaka.
Sa datos na naipamahagi ng NIA Pangasinan sa IFM News Dagupan, nasa mahigit 124 na mga water pumps na ang naipaabot sa mga Irrigators association na mga magsasakang benipisyaryo ng ahensya mula sa mga bayan Agno, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta, Mabini, Sual, Lingayen, Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, Labrador, Mangatarem at Urbiztondo.
Samantala, nakatakdang mapamahagian ng ng water pumps ang mga miyembro ng irrigators association sa ika-3 hanggang ika-6 na distrito ng Pangasinan sa mga susunod ba linggo ayon sa NIA Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨







