Thursday, February 19, 2026

𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗙𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢 𝗔𝗜𝗥𝗣𝗢𝗥𝗧, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟳

Cauayan City – Posibleng maisakatuparan ang night flights sa Tuguegarao City Airport pagsapit ng huling bahagi ng taon hanggang 2027, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Region 2.

Sinabi ni Mary Sulyn A. Sagorsor, Area Manager ng CAAP, na magiging posible ang night operations kapag natapos na ang bagong Air Traffic Control tower at ang pinalawak na terminal ng paliparan na matatagpuan sa Barangay Pengue Ruyu, Tuguegarao City.

Sa kasalukuyan, apat na daytime flights pa lamang ang tinatanggap ng paliparan mula sa Philippine Airlines at Cebu Pacific. Nagsisilbi rin itong pangunahing hub ng mga lokal na biyahe patungong Basco at Itbayat sa Batanes, Calayan sa Cagayan, at Maconacon at Palanan sa Isabela sa pamamagitan ng SkyPasada at NorthSky.

Ayon sa CAAP, kinakaya kasalukuyan ng paliparan na tumanggap ng tatlong Airbus na eroplano nang sabay-sabay sa normal na operasyon. Bagamat may kalayuang 120 kilometro mula sa Cauayan City Airport, naitala ng ahensya ang pagdami ng turista at biyahero patungong Cagayan.

Kaugnay nito, naghahanda rin ang CAAP Region 2 para sa full-scale implementation ng Airport Emergency Plan upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan sa anumang insidente.

Ayon kay Sagorsor,.mas malala ang posibleng epekto ng mga sakuna sa himpapawid kumpara sa land transport kaya kinakailangang paghandaan ito nang husto.

Target ng CAAP na maisagawa ngayong taon ang full-scale emergency exercise kasabay ng patuloy na pagpapalawak ng paliparan at mga flight operations.

Source: TNF

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments