𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛 𝗞𝗢𝗥𝗘𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝟭𝟬𝗞 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗨𝗦𝗦𝗜𝗔

CAUAYAN CITY – Nagpadala ang North Korea ng 10,000 sundalo sa Russia para mag-ensayo, at ayon sa Estados Unidos, maaaring lumaban ang mga ito sa Ukraine sa mga susunod na linggo.

Ayon sa South Korea, ang pabilis na deployment ay nagdudulot ng malaking banta sa seguridad. Itinanggi ng North Korea ang pagde-deploy ngunit sinabi nitong naaayon ito sa internasyonal na batas.

Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na maaaring umabot sa 12,000 sundalo ng North Korea sa Russia, habang tinawag ni US President Joe Biden ang sitwasyon bilang lubhang mapanganib.

Sinabi ng North Atlantic Treaty Organization na ang deployment ay nagpapakita ng desperasyon ng Moscow sa digmaan.


Nagbabala naman ang South Korea ng posibleng hakbang bilang tugon sa lumalakas na ugnayan ng Russia at North Korea.

Facebook Comments