π—‘π—’π—©π—˜π— π—•π—˜π—₯ 𝟰, π—œπ——π—œπ—‘π—˜π—žπ—Ÿπ—”π—₯𝗔 π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗠𝗒𝗨π—₯π—‘π—œπ—‘π—š 𝗗𝗔𝗬

Cauayan City – Opisyal na idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang ika-apat na araw ng Nobyembre bilang National Mourning Day para sa mga biktimang nasawi dahil sa bagyong Kristine.

Alinsunod sa Proclamation No. 728 na inilabas ng Palasyo ng MalacaΓ±ang, hinimok ni PBBM ang lahat ng Pilipino na mag-alay ng dasal, paggalang, at pakikiramay sa mga Pilipinong binawian ng buhay matapos ang naranasang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-ulang dulot ng Bagyong Kristine noong ika-21 hanggang ika-25 ng Oktubre.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit 7 milyong Pilipino ang naapektuhan ng bagyo at 139 Pilipino ang sa kasamaang palad ay binawian ng buhay.


Maliban dito, ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot rin sa 3.11 bilyong piso ang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa nabanggit na bagyo.

Samantala, ipinag-utos ni PBBM na lahat ng opisina at tanggapan ng gobyerno ay gagawing “half mast” ang paglalagay ng watawat alinsunod sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines na siyang tanda ng pakikiramay at pagpupugay.

Facebook Comments