Ipinaalala ngayon ng Department of Education Ilocos Region ang patungkol sa panukalang umiiral βno collection policyβ sa paparating na mga recognition, moving up ceremonies at mga graduation rites.
Base DepEd Memorandum No. 23, Series of 2024, nakatakdang isagawa ang ibaβt ibang seremonya ng pagtatapos ng school year 2023-2024 sa mga paaralan na sakop ng DepEd sa ika-29 hanggang 31 ng Mayo.
Ayon kay DepEd-Ilocos Assistant Regional Director Dr. Rhoda Razon, na kailangan pa ring umayon ng mga paaralan sa umiiral na polisiya ukol sa βno collectionβ. Dagdag pa niya, na dapat ay maging makabuluhan ngunit simple lamang ang mga seremonya.
Ang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE naman ang dapat na gamitin ng mga school para sa mga gastusin na kinakailangan sa pagdaraos ng mga naturang seremonya. Dagdag pa niya, na dapat ay isagawa ang mga programa sa well-ventilated na lugar tulad ng mga covered courts upang hindi indahin ng mga dadalo ang init ng panahon.
Samantala, matatandaan na ipinanawagan ng National Parents and Teachers Association Executive Vice President Lito Senieto na hindi magkaroon ng malaking kontribusyon dahil mas maigi na lamang itong gamitin para sa kanilang mga pamilya. |πππ’π£ππ¬π¨