‘𝗡𝗢 𝗗𝗘𝗟𝗔𝗬’ 𝗦𝗔 𝗢𝗡𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛

Walang magiging delay; yan ang binigyang katiyakan ng Department of Public Works and Highways sa lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa kasakalukuyang pa ring road elevation na isinasagawa sa ilang bahagi ng lungsod.

Sisiguruhin umano ng DPWH na masusunod nila ang kanilang target complete date para sa knaialng mga road projects, particular na sa bahagi ng A.B. Fernandez Ave., Arellano St., at MH Del Pilar St.

Naiintindihan rin umano nila ang abalang naidudulot ng kasalukuyang konstruksyon sa mga motorista, pampublikong sasakyan at sa mga napipilitang mga komyuter na maglakad muna.

Ayon naman sa alkalde ng lungsod, Mayor Belen Fernandez, dapat umano na walang delay sa konstrukyon ng kakalsadahan nang sa gayon ay makatulong na rin ito sa nararanasang pagbaha sa lungsod tuwing may kalamidad tulad ng bagyo.

Samantala, kamakailan ay ipinatupad ng POSO Dagupan ang traffic rerouting scheme na siyang hiniling ng DPWH para sa makatulong sa maagang pagtatapos ng naturang konstruksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments