‘𝗑𝗒 𝗣π—₯π—˜π—¦π—–π—₯π—œπ—£π—§π—œπ—’π—‘, 𝗑𝗒 π— π—˜π——π—œπ—–π—œπ—‘π—˜’ π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—¬, 𝗠𝗔π—₯π—œπ—œπ—‘π—š π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—£π—”π—§π—¨π—£π—”π—— 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘

Istriktong ipapatupad na umano sa bayan Mangaldan ang β€œno prescription, no medicine” policy upang masigurado umano ang kaligtasan ng mga senior citizens.

Layunin ng nasabing polisiya na mapangalagaan ang mga senior citizens sa kanilang intake ng mga gamot, partikular ang mga gamot na pang maintenance.

Samantala, sa Brgy. Gueguesangen, maapektuhan umano sila lalo na’t sila ay libreng nagbabahagi ng gamot sa mga senior citizen sa kanilang barangay health center kahit walang preskripsyon. Tanging takbuhan ito umano ng mga senior citizen lalo na’t ang iba sa kanila ay wala umanong perang pambili ng gamot.

Gayunpaman, naunawaan naman ito ng mga senior citizen, kung saan tiniyak naman ng mga opisyales sa mga barangay ng Mangaldan na sapat ang maitatabing suplay ng gamot para sa mga nangangailan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments