‘𝗡𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗢 𝗧𝗥𝗔𝗩𝗘𝗟’ 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Hinigpitan ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang ‘No registration, No travel’ Policy ng sa mga motorista sa buong Ilocos Region.

Ayon sa tanggapan, kahit pa Sabado at Linggo ay mayroong naka duty na Law Enforcement and Traffic Adjudication System (LETAS) sa bawat distrito ng LTO upang mapabilis ang encoding.

Sa ilalim ng naturang polisiya, titignan ng mga law enforcement officers ang registration ng bawat sasakyan. Maaaring umabot sa P5, 000 ang multa sa rehistrado ngunit walang plate number at P10, 000 ang multa sa non-registration.

Kaugnay nito, hinihikayat ng LTO ang mga motorista na mag-renew o iparehistro ang mga sasakyan upang maiwasan ang penalty. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments