𝗡𝗢 𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗥 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Dahil sa epekto ng Bagyong Carina sa lalawigan ng Pangasinan pansamantalang ipinagbabawal ang pagligo sa Tondaligan Beach sa Dagupan City at Patar Beach sa Bolinao.

Kaugnay ito sa epekto ng Bagyong Carina sa probinsiya na nanatiling nasa loob ng Philippine Area of responsibility. Ang kautusan ay pagsisiguro sa kaligtasan ng publiko na magtutungo sa lugar.

Nakatakdang magbigay ng abiso ang mga lokal na pamahalaan sakaling magbabalik rin sa normal na operasyon kung magiging maganda na ang panahon sa mga darating na araw.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments