Hirap ngayon ang ilan sa mga street food vendors na pumipwesto sa gilid ng kalsada sa bahagi ng M. H. Del Pilar St. kung saan sila lilipat matapos na magkaaron na ng signages sa naturang lugar kung saan nakasaad na hindi na sila maaari pang pumwesto roon para magtinda.
Naka-ugalian na umano ng mga street food vendors ang pagbebenta sa naturang lugar dahil mas malakas umano ang kanilang benta dahil sa mga estudyante at ilang mga pasaherong naghihintay ng mga pampublikong sasakyan roon.
May ilan naman ang matigas pa rin ulo at pumwesto pa rin sa tabi ng mga signages upang makapag benta pa ng kanilang mga inilalakong street foods.
Ang ilang estudyante at mga pasaherong suki na ng mga naturang street food vendors, nanghihinayang at naaawa rin dahil nakasanayan na rin nilang may mga naglalako sa bahaging iyon at maging malapit na bentahan ng murang pagkain para pantawid ng kanilang gutom kapag nag-aabang ng mga sasakyan.
Sa ngayon, wala nang nagtitindang mga street vendors sa bahagi kung saan nilagyan na ng ‘No Vendors Allowed’ signages. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨