
β
βCauayan City – Ipinanukala ni House Majority Leader Sandro Marcos ang House Bill 7432 o ang βNo Work, No Pay for Members of Congress Act,β na naglalayong i-ugnay ang sahod at benepisyo ng mga mambabatas sa kanilang pagdalo sa sesyon at opisyal na gawain.
β
βAyon sa panukala, layon nitong tiyakin na nagagamit ang pondo ng bayan sa mga opisyal na tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin.
β
βSinabi ni House Majority Leader, makakatulong ito sa pagpapalakas ng transparency, accountability, at integridad sa pamahalaan.
β
Dagdag pa ni Marcos na bagamat karaniwan sa mga manggagawa ang βNo Work, No Pay,β patuloy na binabayaran ang mga mambabatas kahit hindi pumapasok.
β
βDagdag pa niya, nagdudulot ito ng public concern sa absenteeism at pag-aaksaya ng pondo ng bayan.
β
βLumabas ang panukala matapos hindi dumalo ni Senador Ronald dela Rosa sa mga plenary sessions simula November 2025.
β
βSa kasalukuyan, β±300,000 ang buwanang sahod ng bawat senador at kongresista sa bansa.
β——————————————
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










