Wednesday, February 11, 2026

𝗡𝗢. 𝟭 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔, 𝗜𝗡𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡


‎Cauayan City – Naaresto ang No. 1 Municipal Top Most Wanted Person ng Alicia matapos ipatupad ang warrant of arrest kaugnay ng sexual assault at acts of lasciviousness laban sa menor de edad.

‎Pinangunahan ang operasyon ng Alicia MPS, katuwang ang iba pang yunit ng PNP, bilang bahagi ng kampanya laban sa mga wanted persons at krimen laban sa kabataan.

‎Kinilala ang suspek bilang si alyas “Dax,” 19-anyos at residente ng Brgy. Aurora, Alicia.

‎Ayon sa pulisya, inisyu ang warrant noong Enero 9, 2026 ng RTC Branch 20, Cauayan City, na may piyansa na ₱180,000 para sa sexual assault at ₱60,000 para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610.

‎Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.

‎Kasalukuyan nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station si “Dax”, habang hinihintay ang pagharap sa korte.

‎Source: ISABELA PNP
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments