CAUAYAN CITY- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan sa Gonzaga, Cagayan.
Ayon sa impormasyon mula sa 5th Infantry Division, Philippine Army, nagsimula ang engkwentro ng 502nd Infantry Brigade at mga miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley dakong alas-dose ng tanghali sa Sitio Laoc, Brgy. Pateng kung saan sampung minuto ang itinagal na palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang NPA habang isang sundalo ang nasugatan.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang M14 rifle na may magasin, mga dokumento at personal na kagamitan ng armadong grupo.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing NPA upang maipabatid ito sa kanyang pamilya.
Facebook Comments