𝗡𝗣𝗧𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗬 𝗡𝗢 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬

Binigyang linaw ng National Parent-Teachers Association (NPTA) ang ukol sa usaping ‘No Collection Policy’ kasabay ng muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa nitong lunes.

Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan kay NPTA Vice President Lito Senieto, may mga ilan talagang binabayaran umano sa paaralan gaya na lamang ng membership sa pagsali sa Boy Scout o Girl Scout gayundin sa School Body at School Paper.

Aniya, mayroon naman umanong proseso ang dapat sundin base sa mandato ng kagawaran ng edukasyon, na kinakailangang magkaroon muna ng resolusyon bago mangolekta ng pera.

Kinakailangan din umano ang liquidation upang masiguro na hindi sa bulsa ng kung sino ito mapunta. Bagamat, may mga ganitong bayarin paalala ng NPTA na hindi ito sapilitan at ‘voluntary in nature’ lamang.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa umano ng kapulisan ang implementing rules mula sa Sangguniang Panlalawigan kung kailan magsisimula ang striktong paghuli sa mga lumalabag sa mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀

Facebook Comments