
βCAUAYAN CITY – Tiniyak ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na magpapatuloy sa 2026 ang kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya, kasabay ng panawagang manatiling mapagmatyag at huwag maging kampante sa mga nakamit na tagumpay sa usapin ng kapayapaan.
βAyon kay NTF-ELCAC Executive Director Ernesto C. Torres Jr., bagamaβt may malinaw na pag-unlad sa pagresolba sa lokal na armadong tunggalian, nananatili ang banta ng muling pag-usbong ng karahasan kung hihina ang pagbabantay ng pamahalaan at ng mga komunidad.
βIginiit ni Torres na ang mandato ng task force ay nakatuon sa pagtugon sa ugat ng sigalot sa pamamagitan ng kaunlaran, mabuting pamamahala, at pagprotekta sa demokrasya laban sa panlilinlang, recruitment, at armadong karahasan, lalo na sa kabataan at mga paaralan.
βPara sa 2026, nananatiling prayoridad ng NTF-ELCAC ang reintegration ng mga dating rebelde, pagpapaunlad ng mga komunidad, at pagsasagawa ng mga programa alinsunod sa batas at karapatang pantao upang matiyak ang pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa bansa.
βSource: 5TH INFANTRY “STAR” DIVISION, PHILIPPINE ARMYβ
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan









