
Cauayan City – Naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ng P5.7 milyong pondo para sa Nueva Vizcaya State University (NVSU) upang palakasin ang teknolohiya sa agrikultura at ang kakayahan ng lalawigan sa pagharap sa epekto ng climate change.
Personal itong iniabot ni Gobernador Atty. Jose V. Gambito kay NVSU President Dr. Wilfredo A. Dumale Jr.
Ayon sa gobernador, ang pondo mula sa 2025 Provincial Development Fund ng Oceana Gold Philippines ay magpapalakas sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at lokal na negosyo sa lalawigan.
Ang P3.9 milyon ay gagamitin para sa pag-upgrade ng mga kagamitan ng Nueva Vizcaya Coffee Processing and Innovation Center ng NVSU upang mapaunlad ang coffee research at processing para sa mga magsasaka at MSMEs.
Samantala, ang P1.8 milyon ay ilalaan sa pagpapahusay ng Nueva Vizcaya Climate Change Center sa pamamagitan ng karagdagang field monitoring systems na tutulong sa mas maayos na climate monitoring at proteksyon ng kabuhayan sa lalawigan.
Source: Provincial Government of Nueva Vizcaya
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










