Pinangunahan ni RDRRMC1 Chairperson at OCD RO1 Director Gregory M. Cayetano nitong miyerkules ang isang pagpupulong bilang bahagi ng layuning magkaruon ng ligtas at masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Layon ng pagpupulong na masusing bantayan ang indiscriminate firing/illegal possession ng firearms at palakasin ang pagmamasid sa iba’t ibang gawain sa pangingisda, kabilang ang pagsasatupad ng NO SAILING/FISHING sa mga high-risk na lugar.
Binigyang-diin din ang agarang paglaan ng resources ng Food and Non-Food Items Cluster o FNFI Cluster at ang mabilisang pag-ulat ng mga insidente sa Kapaskuhan upang agad mapansin at mabigyan ng aksyon.
Sa aktibidad na ito, ipinaaabot ng Pangasinan PDRRMO ang buong suporta sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨