𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗟𝗨𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗤𝗔𝗧𝗔𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Matinding gutom ang naranasan ng Isang Pangasinense na Overseas Filipino Worker (OFW) sa kaniyang pinagtrabahuhan sa bansang Qatar.

Nagtatrabaho bilang domestic helper sa Qatar ang OFW na si Jhulia Jane Pineda kung saan at doon nakaranas ng paghihirap mula sa kaniyang trabaho.

Wala umano itong pahinga at kulang pa sa pagkain. Pinagtiisan nito ang biskwit na kanyang baon mula pa sa Pilipinas upang maibsan ang gutom na nararanasan.

Nakipag ugnayan ang ina nito sa lokal na pamahalaan ng Manaoag upang matulungang makauwi ng bansa. Agad naman itong tinugunan ng pamahalaan at na tinulungan na ligtas na makabalik sa bansa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments