π—’π—œπ—Ÿ 𝗣π—₯π—œπ—–π—˜ π—›π—œπ—žπ—˜, π—˜π—£π—˜π—žπ—§π—œπ—•π—’ 𝗑𝗔; 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—žπ—”π——π—” π—Ÿπ—œπ—§π—₯𝗒 π—‘π—š π—šπ—”π—¦π—’π—Ÿπ—œπ—‘π—”, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 π—‘π—š π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—£π—œπ—¦π—’

Epektibo na simula kahapon ang oil price hike ng ilang oil companies kung saan tumaas ng nasa higit piso ang kada litro ng ilan sa produktong langis.

Nasa .95 cents ang itinaas ngayon sa kada litro ng Diesel habang nasa β‚±1.30 naman ang itinaas sa kada litro ng Gasoline habang wala naming paggalaw sa presyo ng Kerosine.

Ang ilang motorista at mga namamasadang sasakyan sa lungsod, daing nanaman ang nangyaring pagtaas sa kada litro ng gasolina habang ang ilan, pinaghandaan na umano at nakapag pa-full tank na bago pa umepekto ang ipinatupad na oil price hike.

Bagamat normal na umano ang pabago-bagong presyo ng langis kada kilo ay hindi rin umano masasanay ang mga ito sapagkat may ilan pang pangunahing pangangailangan na dapat silang bilhin kung kaya’t kahit piso lamang ang itinaas ay masakit pa rin umano ito sa kanilang mga bulsa.

Samantala, ito na ang ikatlong linggong serye ng pagtaas ng presyo ng produktong langis ng mga oil companies. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments