Muling mararanasan ang taas presyo sa krudo matapos ang ilang linggong rollback sa mga produktong petrolyo.
Inaasahang ilalabas ng mga oil companies ang price adjustments ngayong araw ng Lunes, Nov. 27 at inaasahang magiging epektibo sa Martes, Nov. 28 ngayong buwan.
Nakaambang tumaas ng nasa 20 hanggang 50 cents ang kada litro ng Diesel habang nasa 30 hanggang 50 cents naman ang umento sa Kerosene.
Kung itataas din ang Gasoline, tinatayang nasa 30 sentimos ito bagamat sa ngayon ay nananatiling walang paggalaw.
Samantala, bunsod ng muling pagtaas sa presyo ng petrolyo ang pagbabawas sa production ng Organization Petroleum Exporting Countries o OPEC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments