Cauayan City – Handa ng ilapit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang kanilang mga serbisyo at programa para sa mga kabataang IsabeleΓ±o.
Sa darating na ika-20 ng Agosto, ilulunsad ng Provincial Government of Isabela ang programang OK IsabeleΓ±o Youth Caravan sa Isabela State University Cauayan Campus.
Layunin ng programang ito na maghatid serbisyo sa mga kabataang CauayeΓ±o kaugnay pa rin sa selebrasyon ng International Youth Day at Buwan ng Kabataan ngayong Agosto.
Ilan lamang sa mga tampok na aktibidad ay ang pagbubukas ng aplikasyon para sa BRO for Education Scholarship, National ID Application and Information, Digital Literacy And Online Job Opportunities, Voterβs Registration Information, at Career Guidance Advocacy Program, Labor Market Information, and Employment Coaching.
Bukod pa rito, magkakaroon din ng pagsasanay sa First Aid and Basic Life Support, Motorcycle and Road Safety Information, at Information on Gender and Development and Violence Against Women and their Children, na tiyak na magagamit at makatutulong sa mga kabataan.