Upang palakasin ang turismo sa Region 1 bumuo ito ng Bike Trail na magkokonekta sa mga tourism sites sa rehiyon.
Nasa higit animnapung bike trails ang tinutukoy ng Department of Tourism Region 1 na maaring puntahan ng mga turista sa programang One Bike Trail.
Ayon kay DOT Region 1 Regional Director Jeff Ortega, hinihintay na lamang nila ang karagdagang pondo upang makumpleto ang paglalagay ng mga signages sa bike trails.
Ang one bike trail ang kauna-unahang Bike Tourism Development Plan na nilikha sa buong Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments