𝗢𝗡𝗘 𝗪𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Ipapatupad ngayong araw, August 16, 2024 ang One-Way Traffic Scheme sa ilang bahagi ng kakalsadahan sa Dagupan City upang bigyang daan ang mga road projects sa lungsod.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sisimulan na ang ang road elevation at drainage upgrade sa kahabaan ng Brgy Caranglaan ngayong araw. Kaugnay nito, pinaalalahanan lahat ng motorista, public at private utility vehicle drivers sa bagong ipinatupad na road rerouting. Ang mga sasakyang mula Calasiao papuntang Dagupan City ay dadaan lamang sa Parongking – Tebeng – Caranglaan.

Ang mga sasakyan namang mula sa Sta. Barbara papunta Dagupan ay dadaan sa De Venecia – Tapuac Road habang ang mga manggagaling naman sa Dagupan City papuntang Calasiao o Sta. Barbara ay pinapayuhang dumaan sa Mayombo – Caranglaan Road.

Hiling ng ahensya at ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pag-unawa upang tuluyang matapos na ang mga road projects sa lungsod na inaasahang maiibsan ang problema sa baha sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments