𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗖𝗔𝗠 𝗛𝗨𝗕 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗦𝗧𝗢

Nabisto ng awtoridad ang operasyon ng isang online scam hub sa Brgy. Lucap Alaminos City matapos isumbong ng isang lalaki ang kaniyang mga kasamahan sa illegal na gawain.

Ayon sa pulisya, Nagsumbong umano ang isang empleyado ng hub sa pulisya na si Russel Aglipay, 25 taong gulang, matapos siyang bugbugin at tutukan ng patalim ng kasamahang Chinese National na si Yang Jieng, 38 anyos.

Nakatakas ang biktima matapos itong gumanti ng suntok sa suspek at agad na nagsumbong sa mga pulis ukol sa isinasagawang online scam sa kanilang paupahan.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang awtoridad sa lugar kung saan tumambad sa kanila ang mga computer, ibat-ibang klase ng cellphone at sim card na ginagamit sa di umanoy panloloko.

Pinoy, Chinese at Taiwanese Nationals ang di umanoy nag ooperate sa illegal na gawain.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments