𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗧𝗨𝗟𝗜 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬

Cauayan City – Naging matagumpay ang pagsasagawa ng libreng operation tuli sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Ang programang ito ay parte ng selebrasyon ng ika-67 anibersaryo ng Araw ng San Manuel kung saan, handog nila ang libreng tuli para sa mga binatilyo sa kanilang nasasakupan.

Umabot sa 243 ang bilang ng mga binatilyo ang naging benepisyaryo ng naturang programa.


Naging posible naman ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU San Manuel na pinamumunuan ni Municipal Mayor Hon. Faustino Dy, IV, Rural Health Unit ng San Manuel, San Manuel Tourism Office, at ang Cauayan Medical Specialist Hospital.

Lubos namang nagpapasalamat si Municipal Mayor Dy sa lahat ng tumulong kabilang na ang mga nurses at mga volunteers, dahil sa naging matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Facebook Comments