Inilunsad ng land transportation office (lto) region 1 ang oplan helmet kasunod ito nang mataas na bilang ng mga motoristang nasasangkot sa aksidente.
Target ng kagawaran na mapababa ng 35% ang naitatalang aksidente hanggang sa taong 2025.
Ang mga law enforcement officers (leos) at lady enforcers ng ahensya ay nagsagawa ng roadside inspection kasabay nang pagbibigay ng iec materials sa mga motorista sa bahagi ng bauang, san fernando at san juan sa probinsya ng la union.
Ilan sa mga motorista na nahuling mayroong substandard helmet ay binigyan ng bagong helmet na naaayon sa safety standards.
Prayoridad umano ng ahensya na bigyan ng kaalaman ang mga motorista kaysa panagutin sa kanilang violation.
Binigyang diin ng lto na sa naturang programa mas magkakaroon ng ligtas na komunidad para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨