𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔

Nagpapatuloy pa rin sa pagbabantay at pagsisiguro ng kaligtasan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Alaminos katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) lalo na sa mga sikat nitong pook pasyalan tulad ng mga beach at parke.

Tulo-tuloy pa rin ang pagbisita ng mga turista sa mga pook pasyalan sa lungsod lalo na sa Lucap Wharf, Bolo Beach at Mangrove Park kaya naman patuloy na isinasagawa ng LGU nito ang Oplan Pasko at Bagong Taon Roving Operations.

May nakatalaga namang pwesto ng Tourism Sattelite Office sa naturang pasyalan para sa makapag-accommodate sa mga may mga concern at iba pang pangangailangang attensyon ng mga bibisita.

Samantala, para sa anumang emergency, maaring tumawag sa hotline ng CDRRMO na (075-632-1058) o di kaya sa kanilang mobile number na 0947-551-1420 at 0977-707-6881. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments