Posibleng iveto o tanggihan ni Mayor Fernandez ang kamakailang inaprubahang ordinansa sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ukol sa pagbibigay ng 50% discount sa business permits ng mga apektadong business establishments sa kasalukuyang konstruksyon ng mga road projects sa lungsod.
Inihayag kamakailan ng Alkalde na kinakailangan ang kooperasyon at suporta ng mga negosyante sa mga proyektong magpapaunlad pa sa lungsod, maging ang bisyon na mapapakinabangan din umano nila ito.
Ilang negosyante rin ang nagpahayag na sana ito ay maaprubahan bilang tulong sa kanilang negosyo.
Matatandaan na aprubado sa huling pagbasa ang nasabing ordinansa kung saan nakasaad dito ang 50% na makukuha ng mga naapektuhang establisyimento na maaaring makatulong sa mga particular na sa kabawasan ng bayarin sa business permits. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨