𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝟱𝟬% 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗩𝗜𝗡𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗞𝗔𝗟𝗗𝗘

Naghaing muli ng mosyon ang Sangguniang Panlungsod matapos i-veto ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang inaasahang panukalang magbibigay ng 50% discount sa business permits ng mga apektadong business establishments dahil sa nagpapatuloy na road projects sa lungsod.

Nauna nang inihayag ng alkalde na kinakailangan ang kooperasyon at suporta ng mga negosyante sa mga proyektong magpapaunlad pa sa lungsod, maging ang bisyon na mapapakinabangan din umano nila ito.

Ilang negosyante naman ang nagpahayag na sana ito ay maaprubahan bilang tulong sa kanilang negosyo.

Matatandaan na aprubado na SP ang nasabing ordinansa kung saan nakasaad dito na malaking tulong di umano ito sa mga negosyante upang makasabay sa pagpapataas ng kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments